~ E kung alam mo naman palang baha e bakit ka pa bumaba? Para maiwasan ito, umuwi ka na lang. Wala nang pasok... di mo ba narinig sa radyo?
~ Kung pansamantalang nablangko ang kokote mo, at andyan ka na, nakalusong sa baha, ang dapat mong gawin ay... maglakad. Malamang. Huwag kang tumakbo dahil mahihirapan ka lang lalo na kung hanggang bewang ang tubig. Hindi ito beach. Ang mga tubig na tatalsik sa mukha mo ay punung-puno ng ihi, tae, laway at iba-iba pang basura ng kalikasan.
~ Kung ikaw ay natatakot ma-shoot sa manhole... ay problema mo na yun. Huwag tatalun-talon sa tubig sa pag-asa mong maiwasan ang mga butas. Di mo nga nakikita diba? Mamaya ma-swak ka pa sa butas...
~ Kung ikaw ay naiihi at di na mapigilan ang tawag ng kalikasan... pigilan mo pa rin. Kahit nakalubog ang kalahati ng iyong katawan sa tubig, hindi ibig sabihin pwede ka na ring jumingle. Hindi ito beach o swimming pool para ihian. Narinig mo na ba ang leptospirosis? Maawa ka naman. Huwag nang dagdagan ang dumi ng flood water. Pero kung di mo na matiis, bahala ka... sino bang makakaalam?
pepZ
10:20 PM
8 Episode Reviews
wah, funny! haha! love na kita kuya pepz!
"Pero huwag namang EXAG. Mamaya, ambun-ambon lang, di ka na pumasok..." >>'eto pa lang natawa na 'ko. (babaw ko talaga. XD)
well, ako kasi, 'di na ako makakapanuod pa ng unang hirit at magandang umaga bayan kasi nasa service na ako by that time. at dahil service ako, never pa naman ako naka-experience nung tatawid ng daan na sobrang baha. =D
basta, the best #4 talaga! haha!
teka, kuya pepz, nagkabaha na ng hanggang bewang sa masci?! walang ganun sa masci talambuhay ko ah.. ano feeling? =D
"puwede kang madulas sa CR, bahain sa lovers' lane, matalsikan ng putik sa quad, o ulanin sa classroom (oo, puwede mangyari yun sa Masci)." >> last laugh. haha! too true!
Haha... alam mo ba lahat ng binigay kong tips dyan ay nanggaling sa aking very personal experience especially yung #4! Haha!
Yup nagkabaha na sa KALAW St. na hanggang bewang. Binaba talaga ako ng FX sa dulo ng street (as in malapit sa Roxas Blvd.) at naglakad talaga ako hanggang Masci. Yes. Natakot ako na ma-shoot sa manhole. Haha!
Haayy. Ka-miss.
masarap buhay sa masci pag maulan for the following reasons:
1. very appropriate yung atmosphere for sleeping sa klase.
2. magpapalit ka ng undershirt hindi dahil sa pawis, kundi dahil nabasa ka ng ulan. (lagi na lang pinagpapawisan at naglalagkit, maiba-iba naman).
3. maraming teacher ang parang asin. (hindi mo makikita sa school kapag maulan kasi parang natunaw sila sa tubig). since walang klase si teacher, see #1.
4. Pwedeng maglakwatsa pag half day (only to find out sa umaga lang pala malakas ang ulan).
5. pwede kang magmuni-muni. since hindi mo maintindihan mga pinagsasabi ni teacher sa lakas ng tunog ng buhos ng ulan sa bubong, patango-tangp la na lang, or see #1 also.
6. mataas ang kilig factor kapag umuulan. sino ba unang papasukubin mo sa payong mo?
^_^
By 10:24 PM
, at
kuya pepz! namimiss mo yung baha?! hehe!
bawal na daw pumasok sa masci ang mga alumni ah. =( nagbago kasi ng principal, ayun, wala 'atang tiwala sa ating mga ancient tao ng masci. X( rally tayo?
Haha. Naalala ko nung nasuspend ang klase dahil sa bagyo. Pero sabi ni Ma'am Banta, kailangan raw may sundo. Kaya lahat nakaabang sa gate. Sumigaw yung isang kaklase ko "Palabasin nyo na kami. X na X ka kami!". Manonood pala ng porno. Lang ya. Very appropriate ang weather.
By 11:43 PM
, at
i think i'm too absorbed with college life that recounting memories as trivial as this has never occurred to me. And it's refreshing to know that someone does it, like you! Hahaha! Hmmm. You find travelling to MaSci difficult during rainy seasons, well, not compared to U.P.!
Ampucha pag sa U.P., ibang level na. Pag umulan, lalo na pag sa FA, wag ka na talagang pumasok! And to think nasa loob ka na ng campus! Hahaha! What a waste!
Thanks for dropping by my blog. I have difficulty maintaining it, wala na kasi kaming dsl.(note to self: huuu! excuses, tamad kasi!)
JP: Ayos nga ang atmosphere and ambience pag umuulan sa Masci. Nostalgic na kakilig na senti na hindi mo maintindihan. Haha!
Kaya nga gusto ko talaga ang rainy days dahil sa Masci. :)
hahahaah! this is nice pepz. =] naalala ko it proved very hard for me to go to bordner bldg because u have to cross quad a pa! e ako yung taong di talaga nagdadala ng payong. =]
o yeah! the lovers' lane grabe, bahain talaga dun. tuloy, that gave the sweethearts the excuse to stay there until the rain stops.
putek naalala ko tuloy kung gano kalalim yung baha sa may bordner! pero naapreciate ko talaga ang ulan sa masci kasi sarap matulog. =] relaxing talaga. thanks for sharing this article to us ha!